Pinaghandaan umano ng mga bus terminals sa Dagupan City ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal sa huling araw ng long weekend bago magbalik trabaho.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Terminal Master Melchor Lopez, pinaikli sa sampung minuto ang interval ng pag-alis ng bawat sa terminal at hindi na pinupuno upang bigyang-daan ang mga nag-aabang ng masasakyan sa daan.
Nasa tatlong bus umano ang naka-standby kada sampung minuto upang mabilis na maubos ang pila ng mga pasahero at maiwasan ang kumpolan sa terminal.
Ipinatupad din umano ang extension sa operating hours ng ilang bus na may rutang Dagupan- Baguio City hanggang 9:30 PM upang may masakyan pa ang mga nag-aabang sa mga bayan ng San Fabian at Damortis.
Kaugnay nito, tiniyak ng mga bus terminals na dumadaan sa quality inspection ang mga bumabyaheng bus at mayroong naka standby na bus sakaling magkaroon ng aberya o pagtirik sa daan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨