𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Taong 2017 ng simulang itayo ang Cabagan-Sta. Maria Bridge at ngayon ay malapit na itong buksan sa publiko.

Tiniyak ni DPWH-Region 2 Director Reynaldo Alconcel na sa katapusan ng Hunyo taong kasalukuyan ay maaari na itong madaanan ngunit para lamang muna sa mga light vehicles.

Ganap namang bubuksan ang tulay para sa lahat ng uri ng sasakyan sa darating na Setyembre ngayon ding taon.


Dagdag pa ni Director Alconcel, nasa finishing touches na lamang ang pagsasaayos ng nasabing tulay.

Umabot sa P639.6 million pesos ang inilaang pondo ng pamahalaan para dito.

Facebook Comments