𝗖𝗔𝗡𝗗𝗟𝗘 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗩𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗦𝗨-𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔𝗡

Isinagawa ang Candle Light Vigil kahapon sa LC – Open field ng Pangasinan State University sa pangunguna na Supreme Student Council – PSU Lingayen Campus.

Ito ay pagpapakita ng kanilang pakikiisa sa pagdadalamhati, pakikiramay at pag-alala para sa mga estudyanteng nasawi at naging biktima ng karahasan.

Matatandaan na mariing kinondena ng unibersidad ang pagpaslang kay Evalend Salting, isang 3rd year student ng kursong BS in Business Administration ng institusyon, at patuloy ang panawagan sa pagkamit ng hustisya para sa biktima.

Samantala, patuloy pang gumugulong ang imbestigasyon ukol sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments