Wednesday, February 4, 2026

𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗧 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦

‎Cauayan City – Nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan at ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Council ang isang memorandum of agreement sa The Maximilian Hotel bilang hakbang upang palakasin ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng disaster preparedness at response.

‎Pinangunahan ni Mayor JC Dy ang paglagda sa panig ng LGU Cauayan, habang si Dir. Leon DG Rafael Jr. ang kumatawan sa Cagayan Valley DRRM Council at Office of Civil Defense Region 2.

‎Dumalo bilang mga saksi sa pirmahan ang ilang opisyal at stakeholders, kabilang sina Cauayan City DRRM Officer Ronaldo D. Viloria at Ronald L. Villa ng DRRM Region 2, pati na rin ang mga alkalde mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

‎Kabilang sa mga pangunahing probisyon ng MOA ang mas epektibong paggamit ng mga kagamitan at resources, gaya ng Mobile Command and Control Vehicle (MOCCOV) na nasa pangangalaga ng lungsod.

‎Layunin ng kasunduan na higit pang paigtingin ang kahandaan sa sakuna at mapahusay ang mga operasyon sa pagtugon sa ilang mga emergency disaster response sa lungsod at karatig na lugar.

‎Source: Cauayan City Local Government

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments