
Cauayan City – Tinanghal ang kinatawan ng Pilipinas mula sa Lungsod ng Cauayan bilang Mr. Continental International 2026 sa kompetisyong ginanap sa Vietnam, na nilahukan ng mga modelo mula sa iba’t ibang bansa.
Siya ay si Kevin Reforzado na tubong Cauayan City, Isabela. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Hospitality Management sa Isabela State University – Cauayan Campus.
Bago ang nasabing panalo, matagumpay ring nasungkit ni Reforzado ang titulong Mr. Tourism Universe Philippines 2025, na nagsilbing daan sa kanyang paglahok sa international pageant.
Si Reforzado ay isang freelance model, endorser, runway model, at event host sa iba’t ibang okasyon.
Aktibo rin siya sa pageantry kung saan itinanghal siyang Mr. ISU Cauayan Tourism 2022, Mr. ISU Cauayan Culture and the Arts 2023, at Mr. International Hospitality and Tourism 2023 na ginanap sa Ilocos Norte.
Ang kanyang sunod-sunod na tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa buong Rehiyon Dos at patunay na kayang makipagsabayan ng mga Isabeleño sa pandaigdigang entablado.
Source: RCVN
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










