Tuesday, February 24, 2026

‎𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗚𝗞𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗟𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗦 𝗩𝗘𝗚𝗔𝗦 𝗢𝗣𝗘𝗡

‎Cauayan City – Umabante sa semifinals ng Las Vegas Open si Chezka Centeno matapos pagdaanan ang isang matinding quarterfinal match sa Westgate Las Vegas Resort and Casino sa Nevada.

‎Kinailangan ni Centeno ang halos tatlong oras bago tuluyang matalo ang dating world champion na si Jasmin Ouschan sa iskor na 2-1.

‎Aminado si Centeno na sinuwerte lamang siya sa ilang pagkakataon, ngunit nagpapasalamat siya sa pagkakataong makapasok sa susunod na yugto ng torneo.

‎Sa semifinals, haharapin naman niya si Kristina Zlateva ng Bulgaria na umusad matapos talunin si Sofia Mast sa iskor na 2-0.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments