Target ng pamahalaang panlalawigan na maka-ani ng humigit-kumulang 15,000 metriko tonelada ng asin mula sa 473.8-ektaryang Pangasinan Salt Center farm na matatagpuan sa Barangay Zaragozasa nasabing bayan.
Sinabi ni Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla sa unang cycle ng produksyon ng asin mula Nobyembre hanggang Disyembre ngayong taon, target maani ang 8,000 hanggang 10,000 metric tons na may tinatayang halaga ng benta na ₱ 40 milyon hanggang ₱ 50 milyon.
Sa Oktubre sana magsisimula ang unang cycle ngunit naantala ito dahil sa maulan na panahon.
Sinabi pa ni Batalla na para sa ikalawang cycle mula Pebrero hanggang Mayo 2024, kung may magandang sikat ng araw at walang bagyo, target ang mga 15,000 hanggang 20,000 metrikong tonelada ng ani ng asin na may tinatayang halaga na PHP75 milyon hanggang ₱ 100,000 milyon.
Umaasa naman ang mga opisyal na magkakaroon ito ng Magandang resulta kung saan makakapagbigay pa ito ng pangkabuhayan sa ilang mga empleyado nito.
Higit sa lahat na ang proyekto ay magiging tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resolbahin ang krisis ng asin sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨