Sa pamamagitan ng pinalawak community outreach at comprehensive education programs sa mga komunidad, patuloy na nagbibigay kaalaman ang Commission on Filipino Overseas (CFO) sa Ilocos Region.
Dalawang programa ang inilalaan ng CFO para sa mga binabalak na mangibang bansa. Una dito ang Counseling and Guidance Program (GCP) para sa mga Pilipinong spouse, fiance o ibang partner na papasok intermarriage nang malaman ang rights and obligations sa ibang bansa.
Pangalawa ang Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) para sa Pilipino na nais mangibang bansa nang mapaghandaan ang international migration hanggang sa paghahanap ng trabaho at paghahanap ng support network sa ibang bansa.
Ayon kay CFO Senior Emigrant Services Officer Ariel Cruz, dapat sumailalim sa mga nabanggit na programa ang mga Pilipinong mangingibang bansa upang mapaganda ang buhay sa Pilipinas at hindi maging biktima ng domestic violence, trafficking, at ng illegal recruiters o scammers.
Hinimok din ng tanggapan na ipaalam ang hinaharap na pagsubok tulad ng language barriers, cultural differences, at homesickness. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨