Mahigpit ngayon ang mga isinasagawang checkpoint ng kapulisan sa bayan ng Calasiao ngayong papasok ang holiday season.
Bunsod ito ng mga posibleng insidente ng krimen ngayong buwan ng Disyembre tulad ng pagnanakaw kaya naman isa ito sa estratehiya upang mabantayan nang maigi ang komunidad.
Kabilang sa mga tinututukan ng pulisya ay ang area of convergence o matataong lugar sa bayan tulad ng Municipal Plaza kung saan dinarayo dahil sa Christmas Village.
Maliban sa pagpapalakas ng presensya ng kapulisan sa ibaโt-ibang bahagi ng bayan ay payo rin ng mga ito sa publiko ang ibayong pag-iingat at maging alerto upang hindi mabiktima ng mga mapagsamantala.|๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ
Facebook Comments