
CAUAYAN CITY – Ipinagdiwang sa SM City Cauayan ang Chinese New Year kahapon, ika-17 ng Pebrero 2026.
Tampok sa selebrasyon at pagsalubong ng Chinese New Year ang tradisyonal na performance ng dragon dance.
Layunin ng pagdiriwang na linisin ang malas ng nagdaang taon at salubungin ang bagong taon na may dalang suwerte, kalusugan, at tagumpay.
Para sa 2026, pinaniniwalaang pinamumunuan ito ng Year of the Horse na sumisimbolo ng lakas, kasipagan, kalayaan, at determinasyon.
Gayunpaman, may paalala rin na mag-ingat sa pagiging padalos-dalos at labis na emosyon, dahil ang enerhiya ng taon ay itinuturing na masigla at matindi.
Sa kabuuan, ang Chinese New Year 2026 ay panahon ng bagong oportunidad, at hinihikayat ang bawat isa na magsimula muli nang may positibong pananaw, disiplina, at malasakit sa pamilya at komunidad.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









