
βCauayan City – Ilang araw bago ang Valentine’s Day, matumal pa rin ang bentahan ng chocolate bouquet saΒ Lungsod ng Cauayan.
β
βAyon kay Jessica, staff sa isang chocolate shop sa lungsod, P250 ang pinamurang chocolate bouquet nila habang ang pinakamahal naman ay nasa P1,600.
β
βDagdag pa nito, mas mabenta umano ang mga naka-packs na chocolate kaysa sa mga chocolate bouquets.
β
βSinabi rin nito na bukas rin sila sa mga customized chocolate bouquets subalit nakadepende ang presyo nito sa klase ng tsokolateng ilalagay.
β
βSamantala, umaasa naman sila na magiging mabili ang mga chocolate bouquets sa araw mismo ng mga puso.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










