𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π— π—”π—¦ π—Ÿπ—œπ—šπ—›π—§π—œπ—‘π—š π—‘π—š π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬ 𝗦𝗔 π—‘π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗑𝗔 π——π—˜π—–π—˜π— π—•π—˜π—₯ 𝟳, 𝗨𝗦𝗔𝗣-𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗑 𝗔𝗧 π—œπ—‘π—”π—”π—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘ 𝗑𝗔 π—‘π—š π— π—šπ—” π——π—”π—šπ—¨π—£π—˜Γ‘π—’ 𝗔𝗧 π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗑𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗔𝗧 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π——

Usap-usapan na sa labas o sa social media man ng mga Dagupeno at kahit ng ilang dumadayo mula sa ibang kalapit na bayan at lungsod ang inabangang Christamas lighting ng lungsod ng Dagupan sa darating ng December 7, 2023.
Ayon naman sa ilang namamadam, pakaabangan umano nila ang nalalapit na Christmas lighting ng lungsod dahil paniguradong dadagsain ito at dadami ang pasahero.
Paghahandaan din nila ang mas mabigat pang daloy ng trapiko sa araw na iyon lalo na sa mga bahaging nilagyan ng palamuti at pailaw.

Ang ilan naman na nagmumula pa sa ibang bayan na nag-aaral at nagtatrabaho sa lungsod, isa sa pakaaabangan umano nila ay ang iconic na pailaw ng lungsod sa bahagi ng Quintos bridge na nagmumukha umanong roll cake kapag kinunan sa top view nito.
Inaasahan din na dadagsain ang bahagi ng city plaza kung saan may mga pailaw at dekorasyon din na inihanda para sa mga nais makisama at manuod ng Christmas lighting. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments