𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦 𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗛𝗪𝗘𝗕𝗘𝗦

All systems go na ang magaganap na Christmas Lighting sa Dagupan City na magaganap sa Huwebes, December 7.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan City Councilor Liga ng mga Barangay President Marcelino Fernandez, nakahanda na ang lahat ng mga kailangan upang maging matagumpay ang nasabing seremonya.
Inaasahang bibisita din sa nasabing seremonya si Senadora Imee Marcos na mag uumpisa alas singko ng Hapon.

Samantala nagpaliwanag naman ang opisyal kung bakit delay sa ngayon ang pagpapailaw sa bahagi ng Quintos Bridge at City Plaza kung saan ay naapektuhan kasi nito ang mga nakalipas na mga events gaya ng katatapos ng BSKE kung saan ay kamakailan lamang pormal na umupo ang mga nanalo.
Lahat naman aniya ay imbitado sa nasabing pailaw kung saan madami na ang nag aabang dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments