𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗔𝗧 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗞𝗔𝗕𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Inumpisahan nang ikabit sa ilang bahagi ng tulay at maging sa plaza ang mga Christmas lights at decorations sa lungsod ng Dagupan para sa selebrasyon ng holiday season.
Ilang mga Dagupenos na rin ang nagaabang sa pailaw ngayong taon sa Dagupan City dahil taon-taon ay may mga pakulo ang naturang lungsod sa mga dekorasyon gaya na lamang ng Christmas lights na isinagawa sa Quintos Bridge nitong mga nakaraang taon.
Noong nakaraang linggo ay tinapos na ang pagpipintura sa mga tulay na lalagyan ng dekorasyon at pailaw at inaasahan na sa lalong madaling panahon ay matatapos na rin ang pagkakabit ng mga pailaw at dekorasyon.

Sa ngayon, una nang binuksan ang mga foodstrip at baratilyo sa lungsod bilang pag uumpisa rin ng paggunita sa holiday season ng mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments