𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗥𝗨𝗦𝗛 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗡𝗔

Sa pagsapit ng kapaskuhan at papalapit na bagong taon, ramdam na ang pagdagsa ng mga mamimili sa bayan ng Calasiao.

Ang mga establisyemento at ang pamilihang bayan sa naturang bayan ay nagiging sentro ng masiglang aktibidad sa pangangalakal na nagreresulta sa Christmas rush.

Ilan sa mga nagtutungo sa mga pamilihan ay mga nagsisipagbili ng mga ipangreregalo at ipanghahanda sa paparating na kapaskuhan.

Ayon sa mga negosyante sa bayan, mas mataas ngayon ang demand para sa mga regalo at mga Noche Buena products, lalo na’t tatlong na araw na lang ay pasko na.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Trade and Industry na walang magiging problema sa suplay ng mga pangunahing bilihin ngayong holiday season.

Gayunpaman, ang lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ng mga hakbang upang masigurado ang peace and order sa bayan sa paggunita ng pasko at bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments