
Cauayan City – Isasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang programang βUna Ka Dito: City Hall on Wheelsβ ngayong araw, ika-31 ng Enero sa Barangay District 3 Community Center.
Layunin ng aktibidad na ilapit sa mga mamamayan ang ibaβt ibang serbisyong pang-gobyerno, lalo na sa mga barangay.
Kabilang sa mga serbisyong ihahandog ay libreng gamot, medical at dental check-up, tulong mula sa social welfare, libreng legal services, pagtataya ng halaga ng ari-arian, scholarship assistance, at tulong sa pagkuha ng City ID, bukod pa sa iba pang serbisyong makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente.
Upang makapag-avail ng mga serbisyo, hinihikayat ang mga kalahok na magdala ng alinman sa mga kinakailangang dokumento tulad ng Cauayan City ID para sa financial at medical assistance, anumang government-issued ID, voterβs ID o voterβs identification number para sa City ID application, cedula, barangay clearance, barangay indigency form, medical abstract, at reseta ng doktor para sa mga serbisyong medikal.
Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay District 3 na makiisa at makinabang sa programang ito na patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maghatid ng mabilis, maayos, at makataong serbisyo para sa bawat CauayeΓ±o.










