𝗖𝗟𝗜𝗠𝗔𝗧𝗘 𝗥𝗜𝗦𝗞-𝗕𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗗𝗘𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦

Pinalalakas ngayon ang climate risk-based decision support planning sa sektor ng agrikultura sa Region 1 sa tulong at kolaborasyon ng Department of Agriculture Ilocos Region at mga Local Government Units.

Nagsagawa ng isang capacity-building workshop nito lamang February 6 hanggang 8 ang mga LGUs at DAR1 sa ilalim ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture Program.

Makatutulong din ang nasabing workshop sa mas epektibong decision support planning tools na nakabase sa climate risks.

Patuloy umanong isusulong ng Department of Agriculture ang ganitong klaseng mga aktibidad para sa pagpapalawig ng sustainable agriculture system sa rehiyon at makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga komunidad sa kabila ng nararanasang pabago-bagong panahon.

Samantala, bukod sa workshop ay may mga iba pang paksang tinalakay ang Department of Agriculture R1 para sa pagpapa-unlad pa sa sektor ng agrikultura lalo ngayong nakararanas ng krisis ang mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments