𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Mas tututukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kaugnay sa paghahanda laban sa posibleng mga sakuna partikular ang mga coastal areas na kinabibilangan ng mga barangay islands sa lungsod.

Alinsunod ditto ang pakikipag-ugnayan ng LGU Dagupan sa pangunguna ni Mayor Fernandez sa pamunuan ng PNP Pangasinan Maritime Group.

Matatandaan na nauna nang isinagawa ang talakayan at pagsasanay kaugnay sa pagkakaroon ng katatagan laban sa hindi maiiwasang mga kalamidad o ang disaster preparedness at resilience ng siyudad na pinangunahan naan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasama ang iba’t-ibang lipon ng komunidad tulad ng Barangay at SK Councils, DepEd representatives, Association of Solo Parents, Senior Citizens at iba pa.

Samantala, sa darating na February 20-22 sa kasalukuyang taon ay muling magsasagawa ang LGU ng Exposure Database Development Training na may layong makapagbahagi ng kaalaman na nakapaloob sa damage/hazard assessment at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments