𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

LA UNION-Isasagawa sa darating na September 21 ang coastal cleanup sa San Fernando City, La Union kasabay ng International Coastal Cleanup Day.

Layunin nito mabawasan ang plastic pollution sa mga karagatan na nakakaapekto sa mga lamang dagat maging sa mga residente tuwing may sakuna.

Kamakailan ay pinangunahan ng isang grupo ng mga mag-aaral at non-government organizations ang coastal cleanup sa baybayin ng Bauang, La Union at karamihan sa nakolekta dito ay food wrappers, single-use plastics at plastic bottles.

Kaugnay nito, hinihikayat ng lokal na pamahalaan na makiisa sa gaganaping coastal cleanup drive upang sama-samang labanan ang polusyon dulot ng basura sa mga karagatan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments