Aprubado sa naganap na session ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na nagsasaad ng awtoridad ni Pangasinan Governor Ramon Guico III na makipag-ugnayan sa Philippine Coconut Authority kaugnay sa pagpapatupad ng Coconut Fertilization Project na pagtibayin ang fertilization ng puno sa pamamagitan ng Agricultural Grade Salt Fertilizers o AGSF.
Layunin na pasiglahin ng PCA ang coconut industry sa ilalim ng programang Coconut Planting and Replanting Project at makapagtanim ng 100 milyong puno mula 2023 hanggang 2028.
Binigyang-pansin ng may-akda ng resolusyon na makakatulong sa mga maliit na prodyuser at magsasaka ng asin at niyog ang partnership ng PCA sa asinan sa lalawigan kapag maisakatuparan ang layunin ng PCA.
Ang 130-hectare salt farm na nasa pamamahala ng Office of the Provincial Agriculturist ay may kakayahan na mapunan ang kinakailangang dami ng Agricultural Grade Salt Fertilizer para sa naturang programa ng PCA.
Katunayan, nakasaad din sa Philippine Salt Industry Development Act ang mandatory use ng locally-produced na asin sa mga nakaambang programa nito kabilang ang pagpapayabong sa mga coconut farms sa pamamagitan ng PCA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨