𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang inabot ng isang 23 anyos na lalaking college student matapos na makasagasa ng aso sa San Manuel, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng naturang estudyante ang kalsada gamit ang motorsiklo nang biglang tumawid ang aso at nasagasaan nito at saka siya sumemplang.

Agad na dinala ang naturang estudyante sa Rural Health Unit ng San Manuel upang mabigyan ng atensyong medikal.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung saan inaalam kung kanino ang naturang aso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments