𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗠𝗢𝗞; 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Arestado ang isang college student matapos itong mag-amok sa isang subdivision sa bayan ng Mangaldan. Ang suspek ay Isang 23 anyos na residente ng Brgy. Anolid sa bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakapwesto sa isang outpost ang dalawang barangay tanod nang makarinig ng mga pagsisigaw mula sa binata. Nang awatin ito ay pinagtutulak sila at saka pinagpupukpok ng kawayan sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang isang tanod habang dinala na sa himpilan ng pulisya ang binata para sa kasong kahaharapin nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments