𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗕𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Pansamantalang itinigil ng Commission on Election (COMELEC) Mangaldan ang pagsasagawa dito ng voter registration hanggang sa ika-19 ng Hulyo.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ay base sa inilabas na Memorandum No. 240487 mula sa Office of the COMELEC Secretary.

Dahil dito, ang Special Voter’s Registration for Senior Citizen at PWDs maging ang Off site voter’s registration ay hindi rin matutuloy at nakatakdang ire-schedule.

Magbabalik naman ang voter’s registration sa darating na sabado ika-20 ng Hulyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments