Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Mula sa mga preparasyon ng mga voting machine na gagamitin sa eleksyon hanggang sa mga information drive, ito umano ay bilang pagtitiyak ng kahandaan ng ahensya sa darating na halalan.
Ayon kay Comelec Pangasinan provincial elections supervisor, Atty. Marino Salas, ang pagchecheck ng upgraded na kagamitan para sa pagbibilang ng mga boto ay makatutulong sa naging problema sa mga nakalipas na eleksyon.
Tuloy rin ang panghihikayat ng tanggapan sa publiko sa pagpaparehistro sa kanilang tanggapan dahil walang extension na ibinigay para dito at mananatiling hanggang sa September 30 lamang ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments