𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦

Handa na ang Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan na handa na ang mga opisina nito sa bawat lungsod at munisipalidad para sa pagtanggap ng mga kandidatong maghahain ng kanilang certificate of candidacy bukas, October 1.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Pangasinan Election Officer Atty. Eric Oganiza, may mga mangilan ngilan nang aspirants nakikipag ugnayan sa kanilang tanggapan para sa mga requirements ng pagfifile ng COC.

Ilang tatakbo sa halalan ang maagang kumuha ng form upang maiwasan ang aberya pagdating ng araw ng kanilang paghahain ng kandidatura.

Paalala ni Oganiza, siguraduhing kumpleto ang dokumento ng mga kandidato bago magtungo sa COMELEC offices.

Samantala, nakiusap si Oganiza sa mga kandidato na dapat maging desidido sa desisyon ng pagtakbo sa halalan dahil kapag lumampas na ang mga ito sa itinakdang araw ng paghahain ng substitution ay hindi na maaaring mag back out. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments