𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗧𝗢𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan na walang naitalang untoward incident sa loob ng walong araw na Certificate of Candidacy (CoC) filing. Ayon Kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Attorney Eric Oganiza, buo ang kooperasyon ng mga aspirants sa ahensya maging ang mga supporters nito upang maging maayos ang paghahain ng kandidatura.

Aniya, wala itong naencounter na problema maliban sa kulang ang entries ng CoC ng ilang kandidato na agad namang naayos.
Umabot sa 1,082 na aspirants ang naghain ng kandidatura sa iba’t-ibang posisyon sa mga lungsod at munisipalidad ng lalawigan at 42 aspirants naman na coc ang natanggap ng provincial comelec.

Nakatakdang dalhin ang mga dokumento nang mga nakapaghain ng kandidatura sa Maynila upang iproseso para sa verification.

Samantala, iginiit ng COMELEC na maaring mag withdraw ngunit hindi na pinapayagang maghain ng substitution ang Isang aspirant maliban na lang kung ito ay namatay o nadisqualify. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments