Patuloy ang panghihikayat ng Commission on Elections sa mga hindi nakapagparehistro na magparehistro sa pagbubukas muli ng voter registration ngayong buwan ng Pebrero.
Sunod-sunod na ang mga posts ng ahensya kung saan nagbibigay ng paalala at panghihikayat sa publiko na magparehistro dahil importante ang partisipasyon ng bawat pilipino sa pagboto ng ihahalal sa mga pwesto sa loob ng gobyerno.
Nagpapaalala rin ang ahensya na kung hindi nakapagboto sa dalawang magkasunod na regular elections ay tuluyang ma deactivate ang kanilang voter registration record.
Ngunit, nilinaw naman ng ahensya na maaari pa rin naman magpasa ng aplikasyon para sa reactivation of registration record sa oras din ng pagbubukas ng voters registration mula February 12 hanggang September 30, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨