𝗖𝗢𝗠𝗘𝗧 𝗧𝗦𝗨𝗖𝗛𝗜𝗡𝗦𝗛𝗔𝗡 – 𝗔𝗧𝗟𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗡𝗚𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Natunghayan ng mga Dagupeño ang Comet Tsuchinshan – ATLAS (C/2023 A3) o mas kilala bilang Comet of the Year na nakita sa kalangitan ng Pilipinas noong Linggo ng gabi.

Hindi pinalampas ng mga Dagupeño ang kaaba-abang na pagkakataon na aabutin pa ng 80,000 taon bago ito ulit posibleng makita.

Sa Facebook post ni Mark Claudel Arzadon, nasilayan niya ang comet sa lungsod ng Dagupan na tinawag niyang ‘best comet’.

Malinaw na nakita ng mga Dagupeño west direction ang nasabing kometa makalipas ang 30-45 minuto matapos ang paglubog ng araw.

Unang nadiskubre ang kometa ng Purple Mountain Observatory sa China at ATLAS South Africa noong 2023.

Goodnews sa mga stargazers sapagkat posible umano pa itong matunghayan ngayong buwan ng Oktubre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments