Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority Pangasinan ang confidentiality ng impormasyon na nakakalap sa isinasagawang 2024 Census of Population and Community Based Monitoring System sa Pangasinan.
Ayon sa PSA Pangasinan, sumailalim ang mga enumerators sa oath-taking ukol sa Data Privacy Act na nagsasaad na gagamitin lamang bilang basehan ng mga naangkop na programa ng gobyerno ang makokolektang datos.
Sa kasalukuyan, nag-iikot na sa kabahayan ng Pangasinan ang 1,700 enumerators.
Nakatakdang magtapos ang census sa darating na Setyembre ngayong taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments