Umaabot na sa 86% ang porsyento ng mga consolidated na PUV o Jeepney sa Ilocos Region, base sa tala ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ilang linggo bago matapos ang pinalawig na deadline ng PUV consolidation, may mangilan-ngilang drivers at operators pa rin ang hindi nakakapag consolidate.
Ayon sa LTFRB, nasa limang porsyento na lang ang tinatayang bilang ng mga unconsolidated PUVs sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon naman kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, kasalukuyan itong nakikipag-ugnayan sa mga transport cooperative chairman upang malaman at mahikayat pa ang mga miyembro nilang hindi pa nakapagpa consolidate.
Matatandaan na pinalawig ni Pangulong Bongbong Marcos ang deadline ng PUV Consolidation hanggang sa huling araw ng Abril ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨