Nananatili sa 95% ang tinatayang bilang ng mga jeepney na consolidated ngayon sa lalawigan ng Pangasinan, sa kabila ng pagpapalawig ng PUV Consolidation Deadline.
Ayon sa Autopro One Pangasinan Federation, ang itinuturong dahilan ay ang kakulangan ng miyembro ng ilang mga tsuper na kanilang sasalihan.
Matatandaan na ang consolidation ay mahalaga upang hindi mapabilang ang mga ito sa mga hindi na papayagang pumasada sa pagsapit ng huling araw ng Abril.
Ayon sa guidelines na inilabas para sa PUV consolidation, kinakailangan na hindi bababa sa labin limang miyembro ang kasapi sa isang kooperatiba o korporasyon.
Samantala, hindi lumahok ang ilang mga jeepney operators at drivers sa Pangasinan sa ikinasang malawakang tigil-pasada ng grupong Piston at Manibela sa buong Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨