𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang isang construction worker matapos itong makuryente sa Barangay Macario Sur Natividad Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Manuel Matusalem, 48 anyos residente ng San Nicolas.

Sa ulat ng pulisya, habang nagtratrabaho si Matusalem sa ginagawang covered court aksidente nitong nahawakan ang live wire at nahulog.

Nawalan ito ng malay na agad namang naisugod sa pagamutan.

Nagpapagaling na ang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments