𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗚𝗕𝗨𝗚𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗡𝗔𝗞

Pinagtulungang saksakin ang isang construction worker ng kaniyang kaanak sa Brgy. Annam, Umingan, Pangasinan.

Ayon sa salaysay ng biktima, naglalakad umano ito patungo sa bahay ng kanilang nakatatandang kapatid upang manghingi ng pera nang makasalubong ang isa sa mga suspek.

Nagsuntukan ang dalawa at dumating ang isa pa na may dalang kutsilyo at pinagtulungan ang biktima.

Tinuturong dahilan ang personal na hindi pagkakaunawaan ng tatlo kaya nagawa ang krimen.

Nagpapagaling ang biktima sa ospital.

Naaresto naman ng awtoridad ang dalawang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments