𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog ang isang construction worker sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad sa Brgy. Pantal, Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Nad”, 36 anyos. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kilala ang suspek sa pag-angkat ng ilegal na droga sa lungsod.

Nakumpiska sa kanya ang sampung gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa dalawang pakete at boodle money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments