𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡

Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo ang 44 anyos na construction worker matapos itong tagain ng kaniyang kainuman sa Brgy. Amalbalan, Dasol, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 40 anyos na welder. Ayon sa inisyal na imbestigasyon pulisya, inaya ng suspek ang biktima na makipag-inuman sa kaniya hanggang sa humantong sa sagutan ang dalawa.

Dumampot ng itak ang suspek at tinaga sa ulo ang biktima.

Naitkabo agad sa pagamutan ang biktima at Naaresto naman ang suspek sa isinagawang manhunt operation. Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima dahil sa malaking sugat na tinamo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments