Patay ang isang 32 anyos na lalaki sa Brgy. Pangaoan, Rosales matapos pagbabarilin sa harap ng kaniyang bahay.
Ayon sa pulisya, pasado alas sais ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa biktima.
Mag-isa umano itong umiinom ng alak sa harap ng kaniyang bahay nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo.
Tinamaan ito ng bala ng baril sa kaniyang ulo at ibang parte ng katawan na dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang ginamit sa pamamaril ay caliber 45. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments