Agad na inaresto ng mga awtoridad sa bayan ng Bolinao ang isang construction worker na kumukuha ng Police Clearance matapos mapag-alaman na isa pala ito sa mga wanted person sa bahagi ng Taguig City.
Ang akusado ay nakilalang si Alfredo Corilla, residente ng Luciente 2 sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, kumukuha ng kanyang Police clearance si Corilla sa bahagi ng Bolinao PNP pasado alas kwatro ng hapon sa pamamagitan ng National Police Clearance System ng biglang nakita na ito pala ay wanted person.
Natuklasang wanted ito sa kasong paglabag sa RA 7610, na may petsang January 15 2010 pa inilabas mula sa Pasig RTC na may piyansang ₱80,000.
Agad na nakipag-ugnayan ang Bolinao PNP sa Taguig PNP para dito para sa tamang disposisyon sa akusado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨