Tinipon ang mga shed owners sa bahagi ng Tondaligan beach ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City kasama ang alkalde ng lungsod at nagsagawa ng isang consultation para pag-usapan ang pagpapalakas pa ng turismo sa lungsod.
Tinalakay sa naturang konsultasyon ang pagbibigay ng maganda at friendly services para sa mga beach goers maging pagbibigay ng sapat na seguridad para sa mga turistang dumadayo at dadayo sa Tondaligan beach.
Ilan pa sa tinalakay sa naturang konsultasyon na ito ay ang mga proyektong nakatakdang isagawa sa naturang bahagi tulad ng skateboard park at tourism pavilion projects.
Pinag-usapan rin dito ang ukol sa mahigpit pa rin na pagpapatupad sa lungsod ng goodbye basura program kung saan dapat na makitaan sa naturang beach bilang maraming turista at mga iba pang bumibisita rito.
Samantala, pinangunahan naman ang naturang konsultasyon na ito ng ilang kawani mula sa City Engineering Office, Tondaligan Park Admin, at OSBC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨