Isinagawa sa BJMP Dagupan City katuwang ang Department of Health Region 1, at Public Health Unit ng Treatment and Rehabilitation Center ang Kaheartner sa Kusina: Dietary Approaches to Stop Hypertension (DASH) Diet Recipe Cooking Contest.
Layunin ng naturang patimpalak na magbigay kamalayan sa non-communicable disease na hypertension bilang ang buwan ng Mayo ay idineklarang Awareness month ng naturang karamdaman sa mga vulnerable communities kabilang ang mga Persons Deprived of Liberty.
Ilan sa mga recipe na inihain ng mga kalahok ay Talakitok Fish in Sinigang sa Miso with Gabi, Asadong Kapampangan, Spicy Chicken Curry at Carangidae in Coco Milk.
Kabilang naman sa mechanics upang matukoy ang mananalo ay 50% sa nutritive value;20% originality, palatability, presentation; 20% overall aesthetic at creativity; at 10% naman para sa social media score.
Mula sa sampung kuponan ay naganap ang elimination round kung saan maghaharap ang natirang limang kalahok bilang finalist sa live cooking na gaganapin sa May 31. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨