𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Mangatarem at pamunuan ng Mangatarem Police Station ukol sa pansamantalang pagpapasara ng Daang Kalikasan sa bayan.

Hindi pinapahintulutan ang anumang sasakyan sa naturang kakalsadahan maliban na lamang sa construction vehicles.

Inaatasan na lahat ng mga sasakyang mula sa Zambales ay hindi muna maaaring dumaan sa bahaging sakop ng Mangatarem.

Hiling ng awtoridad ang pang-unawa ng publiko hanggang sa matapos ang pagsasaayos nito. Samantala, ang pagpapasara nito ay may layong mas mapaganda at mapabuti ang konstruksyon ng Daang Kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments