𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗞𝗧𝗔𝗥𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Tinututukan ng Department of Agriculture Region 1 ang daang libong ektarya ng sakahan ng palay sa rehiyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pampataba sa mga magsasaka.

Nasa 241,000 na ektarya ng sakahan ng palay ang target na bigyan ng hybrid seed ng palay sa pamamagitan ng fertilizer discount voucher ng naturang ahensya.

Katumbas ng 3,400 pesos ang bawat fertilizer discount voucher sa bawat ektaryang sinasaka ng mga magsasaka.

Sa kasalukuyan, nasa 300,971 na ektarya ng lupain sa rehiyon ang napamahagian na ng ahensya ng hybrid palay seed.

Samantala, patuloy rin ang panghihikayat ng DA sa mga magsasakang hindi pa nagpaparehistro sa ilalim ng RSBSA nang sa gayon ay makinabang ang mga ito sa mga programang inilulunsad ng ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments