Nagkaisa ang mga mag-aaral sa isang Unibersidad sa lungsod ng Dagupan City sa isinagawang Mass Blood Donation Drive, kahapon.
Umabot sa limang daang bag ng dugo ang nakolekta sa naturang programa kaisa ang Philippine Red Cross Pangasinan Chapter, PHINMA – University of Pangasinan at PAMET Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Ms. Danna Lomibao, presidente ng Medical Technology Student ng unibersidad, taon-taong isinasagawa ang pagdodonate ng dugo upang matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan dugo.
Matatandaan na nagkaroon panawagan ang health authorities na magdonate ng dugo matapos ang sumipa ang kaso ng dengue sa Pangasinan.
Samantala, kaliwat kanan ang isinagawang blood donation drive ng PRC sa mga mall,paaralan , opisina ng gobyerno at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨