𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗚𝗥𝗢𝗪𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Apektado ng mataas na presyo ng feeds ang ilang fish growers sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa grupong SINAG, ang presyo ng feeds sa merkado ay nasa 1,000 na mula sa 950 na kada sako nito.

Ayon sa ilang fish growers hindi pa nakakabangon ang mga ito sa iniwang epekto ng nagdaang bagyo sa kanilang negosyo kung kaya’t malaking pasanin ang itinaas na singkwenta pesos sa feeds.

Hindi rin umano dapat na tipirin ang mga isda dahil kalaunay mas malaking problema pa ang kakaharapin ng mga ito.

Sa ngayon,patuloy ang pakikipag-ugnayan ng SINAG sa tanggapan ng gobyerno upang mabigyan ng agarang tulong ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments