Nagsagawa ng pulong ang lokal na pamahalaan kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Pangasinan 2nd engineeeing district upang pag-usapan ang isasagawang road mitigation projects kontra sa baha.
Ilan lamang sa isasagawa ay ang construction/rehabilitation ng flood mitigation facilities sa mga ilog gaya ng rivervank protection sa Sinocalan River.
Kabilang din ang pagsasaayos ng mga daan at tulay papunta sa mga barangay at public buildings.
Nakatakda ring ayusin ang flood gates, pagsasagawa ng declogging, at pagsasaayos ng mga manhole at drainage system sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments