Hinalughog ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang silid ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL ng Dagupan City Jail Dormitory.
Sinuri ng mga ito kung mayroong mga ipinagbabawal na droga at armas na nakatago sa bilangguan upang matiyak ang kaligtasan ng mga nakadetene at ng mga dumadalaw.
Wala namang nakitang kontrabando ang tauhan ng BJMP at PDEA sa isinasagawang greyhound.
Samantala, Sumailalim din ang nasa higit 100 PDL sa Anti-Illegal Drug Symposium na may layuning maiwasan ang pagbabalik piitan ng isang nakalayang PDL dahil sa ilegal na droga.
Bukod dito, Nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng BJMP Dagupan sa iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno upang mabigyan ng sapat na kasanayan sa seguridad, edukasyon at kabuhayan ng mga PDL. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨