Sa nagpapatuloy na pag-iral ng dry season sa bansa, nagpaalala ang Dagupan City Veterinary Office para maiwasan ang heat stroke maging sa mga alagang hayop, na ayon sa tanggapan ay hindi ligtas sa tag-init kahit hindi man nakakapagsalita.
Ayon sa tanggapan, maaring paliguan ng mga pet owners ang alagang hayop every other day o daily kung sobrang init ng panahon. Dapat din ikonsidera na itali ang mga ito sa malamig o preskong lugar at may nakaabang na malinis na tubig.
Sa mga hindi magandang sitwasyon tulad ng mataas na body temperature o heat stroke sa mga alagang hayop, maaaring lagyan ng basang towel o ice pack ang katawan o di kaya ay paliguan sa running water hanggang mapababa ang body temperature.
Kaugnay nito, nanawagan din ang Provincial Health Office na maging responsableng pet owner dahil isa rin itong dahilan ng pagtaas ng kaso o mortalidad sa rabies sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨