𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗖𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗗𝗘

Inabisuhan ang mga residente sa Dagupan City sa muling inaasahang pagbaha dahil sa epekto ng Bagyong Pepito.

Umabot na sa critical level ang Sinucalan River sa Sta. Barbara kung saan konektado ang nasabing kailugan sa Pantal River sa lungsod na inaasahang sasalo sa tubig baha nito.

Panahon din ng high tide ngayon na maaaring dumagdag muli sa mataas na lebel ng tubig sa siyudad.

Inalerto na ang mga nakatira sa low-lying areas na maging handa sa inaasahang pagtaas ng tubig. Hinikayat din ang paglilikas sa mga evacuation centers kung kinakailangan.

Samantala, tuluyang pinasok ng baha ang ilang mga kabahayan partikular na ang island barangays dahil sa storm surge na dulot ni Bagyong Pepito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments