𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢, 𝗧𝗢𝗣𝗡𝗢𝗧𝗖𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗢𝗣𝗧𝗢𝗠𝗘𝗧𝗥𝗜𝗦𝗧𝗦 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Hindi maitago ang saya ni Dra. Millen Salvacion De Jesus nang siya ay mapabilang sa Topnotchers ng sa katatapos na Optometrists Licensure Examination ngayong October 2024.

Nakakuha ito ng 88.09%, na average na napabilang sa Top Rank 7 na graduate din bilang Magna Cum Laude sa class 2024 ng Lyceum-Northwestern University.

Ayon sa facebook post ni Dra. De Jesus, “lifelong dream” niya ang maging eye doctor dahil lumaki siya sa pamilya ng mga Optometrists at naging assistant na rin siya sa kanilang family-owned clinic kaya hindi na niya nakita pa ang sarili na tumahak ng ibang landas maliban dito.

Dagdag pa niya, ang “strong passion” na makapagbigay ng pinakamagandang eye and vision care sa kanyang mga future patients ang naging motivation niya upang mag-aral ng mabuti kahit pa hindi madali at nakaranas din siya ng hirap.

Sa huli, pinasalamatan naman ni Dra. De Jesus ang mga naging support system niya sa pagkamit sa pangarap na maging licensed Optometrist. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments