Dalawampung binibini mula sa iba’t-ibang lungsod at bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang pinal na bilang ng tuluyang sasabak para sa nalalapit na Limgas na Pangasinan 2024.
Kaugnay nito ang muling pagpresenta ng mga kandidata sa naganap na Press Presentation at Official Candidates’ Sashing Ceremony kahapon lamang, March 18, 2024.
Ayon sa ilang kandidata, kabilang sa paghahandang isinasagawa ng mga ito ay ang pag-alam sa mga panlipunang isyu na talamak at mahalaga sa panahon ngayon.
Isa pa sa nabigyang-diin ay ang pagtalakay sa mga napiling adbokasiya sa kanilang kinabibilangang lugar maging benepisyo nito sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Samantala, bagamat nagpadala ng mga representante ang ilan pang mga bayan, ay sinala ang mga ito bilang paghahanda sa pagsabak sa National Pageants partikular na sa mga tatanghaling manalo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨