𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nagulat ang mga construction workers sa isang bahay sa Urdaneta City matapos silang nakahukay ng granada roon.

Ang nasabing bahay na ginagawa ay matatagpuan sa Barangay Nancamaliran West sa nasabing Lungsod.

Nahukay ang nasabing dalawang granada pasado ala una ng hapon na agad ding ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon kung paano napunta doon ang nasabing mga granada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments